Isang barangay kagawad sa Bgy. Sta. Lourdes sa Puerto Princesa City ang idinadawit ngayon sa kaso ng pagkawala ng dalagang si Jovelyn Galleno.
Ito ay si Kgd. Jonathan “Tanjo” Rasimo na may komite ng Peace & Order sa Barangay.
Pinalutang na ang opisyal di umano ang nagtanim ng alahas sa tabi ng puno ng saging sa lugar na tinitirhan ng suspek na si Leobert Dasmariñas.
Ang mga alahas na iyon ay kinumpirma ng pamilyang Galleno na pagmamay-ari ni Jovelyn.
Pero ayon kay Kgd. Rasimo, walang katotohanan na siya ang nagbaon o naglibing ng bracelet at kwentas ng dalaga na narekober noong August 25, 2022.
Sinabi aniya ng kapatid ng suspek na si Jennifer Lozada na hindi si Leobert ang nagtanim ng alahas ng dalaga kundi may ibang tao.
Dahil dito,August 26, 2022, o kinabukasan matapos marekober ang mga alahas ay sinubokan raw ni Kgd. Rasimo na makausap muli si Jennifer tungkol sa mga taong pumupunta sa lugar na hindi nila kilala pero hindi na niya ito nakausap pa.
Samantala, nais makausap ng opisyal ang mga taong nag-uugnay sa kanya sa kontrobersyal na kaso.