Opisyal nang kinumpirma ng aktor na si Markus Paterson hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Janella Salvador.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinunyag ni Markus na totoong hiwalay na sila ni Janella at ang prayuridad nalang umano nila ngayon ay ang kanilang anak na si Jude.
Pagbabahagi pa nito, na halos isang taon na pala silang hiwalay.
Sa gitna nito, nilinaw din ng aktor na hindi si Janella ang pinatutungkulan ng kanyang kontrobersiyal na pahayag kamakailan, na hindi na siya magdi-date ng babaeng taga-showbiz.
Sa harap nito, naiintindihan umano niya na bukas ito sa misinterpretation, dahil umano sa paraan ng kanyang pagkasabi, at lalo na’t hindi naman umano nila inanunsyo ang kanilang break-up.
