Inamin ng aktor na si Christopher de Leon na nalulong siya sa masamang bisyo.
Pagbabahagi ng aktor, na una raw niya iyon naranasan ay bago pa sumabak sa showbiz, at naulit nang naging tagumpay ang kanyang karera.
Sa YouTube vlog ni Amy Austria, sinariwa ni Christopher ang kanyang mga pinagdadaan nang mapariwara sa buhay.
Pagbabahagi nito na halos lahat ng ilegal na droga ay naranasan niya, na marahil umano au dahil sa kanyang kasikatan, tagumpay at pagkakaroon ng pera.
Sa panahong umanong iyon ay mag-asawa na sila ni Sandy Andolong, at dalawa pa lamang ang anak nila.
Pero sa huli, sa tulong ng kanyang pananampalataya ay nakalabas siya mula sa malim na yugto ng kanyang buhay at muling nabuo ang kanyang pamilya.
