Isang babae nanguna sa 2024 graduating class ng PMA

Pinahanga ni Cadet First Class Jeneth Elumba ang maraming netizens matapos siyang manguna sa 2024 graduating class ng Philippine Military Academy.

Ayon kay Elumba hindi niya akalaing mangunguna siya.

Si Elumba ay tubong Surigao City, Surigao del Norte. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid at proud anak ng isang magsasaka.

Nakatakdang tumanggap ng Presidential Saber Award si Elumba mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na panauhing pandangal at tagapagsalita sa magaganap na graduation rites sa Fort Del Pilar, Baguio City sa Mayo 18.

Ang PMA Bagong Sinag Class of 2024 ay kinabibilangan ng 224 lalaki at 54 babaeng kadete.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *