Mag-ama, patay sa pamamaril sa Brooke’s Point, Palawan

Patay ang mag-ama sa pamamaril sa Barangay Calasaguen, Brooke’s Point Palawan gabi ng Biyernes, May 10 2024.

Ang mga biktima ay sina Rodel Usman Dali 42 y/o driver ng tricycle at  Majorie Hamid Dali 79 y/o isang mangingisda at pawang mga residente sa Purok III, Abubakar, Brgy. Calasaguen sa munisipyo.

Sa initial report ng kapulisan, isang truck umano ang napadaan sa lugar patungong centro ng bayan nang makita ang tricycle sa kalsada kung saan duguan ang dalawang sakay nito, sa una ay inakalang pinagsasaksak ang mga biktima subalit may nakitang basyo ng bala sa lugar na agad na ipinagbigay alam sa mga kapulisan.

Nakuha sa crime scene ang 5 pirasong fired empty shells ng caliber 9mm, 1 isang piraso ng 9mm live ammunition, 1 pirasong scabbard na may sukat na MOL 9 inches, 1 kutsilyo na may sukat na  MOL 12.5 inches at 1 unit ng Nokia Cellular Phone

Samantala, iniimbestigahan ng pulisya ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *