Isang Australyano, na-stranded sa Pacific Ocean

Isang Australyano ang nailigtas sa Pacific Ocean matapos kumapit sa kanyang tumaob na bangka sa loob ng 14 na oras.

Kinilala ang nasagpi na si Tom Robinson, na tinulungan ng isang cruise ship matapos magpadala ng distress signal.

Ayon kay Robinson, tumaob ang kanyang bangka matapos alunin nang malaking tubig, kaya’t agad itong umakyat sa bangkang nakataob upang hindi malunod sa karagatan.

Walang suot ang Australyano kaya’t nastranded ito sa karagatan nang nilalamig ng ilang oras.

Unang nakita si Robinson ng isang French Navy aircraft, na agad nagpatulong sa mga awtoridad.

Nagdulot ng sunburn at dehydration ang pagka-stranded ni Robinson kaya’t laking gulat ng mga awtoridad na nanatiling kalmado at positibo ang biktima noong ito’y ma-rescue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *