Yexel at Mikee, umalis ng bansa sa gitna ng isyu sa investment scam

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng bansa ang sikat na vlogger/influencer na si Yexel Sebastian, kasama ng kanyang karelasyong si Mikee Agustin.

Pumunta ang dalawa sa Japan noong Lunes, sa gitna ng maraming reklamong naguugnay sa P200 million investment scam.

Ayon sa BI, malayang nakaalis ng Pilipinas ang mga akusado dahil hindi pa nagsasampa ng kaso ang mga nagrereklamo laban sa kanila.

Kung maalala, nabunyag sa publiko ang investment scam ng dalawa nang lumantad ang mga investors at lumapit sa programa ni Senador Raffy Tulfo matapos umanong hindi sila kausapin tungkol sa na-invest nilang pera.

courtesy: Yexel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *