Isa sa 2 suspek sa ‘mass stabbing’ sa Canada, natagpuang patay

Kinumpirma ng Canadian police na natagpuang patay ang isa sa dalawang suspect sa mass stabbing sa Saskatchewan.

Ayon sa report, natagpuan ang katawan ni Damien Sanderson, 31 anyos sa James Smith Cree Nation.

Napag-alamang magkapatid ang mga suspect kung saan si Myles Sanderson ay nananatiling at large na pinaniniiwalang nagtatago ngayon sa Regina City.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Matatandaang umabot sa 10 tao ang napatay sa serye ng pananaksak ng magkapatid habang nasa 18 ang sugatan na dahilan para sampahan ng multiple murder ang mga ito kahit hindi pa naaaresto ng mga otoridad.

Read More:  2 foreign tourists die in suspected electrocution incident at luxury hotel pool in India

Pinaniniwalaang sugatan din si Myles kaya naman inalerto ang publiko sa lugar na manatiling alerto dahil posible itong maghanap ng medical assistance.

Iniimbestigahan pa ang mga labi ni Damien na mayroong mga sugat bagamat hindi naman matukoy na self-inflicted.