Iran hinatulan ng kamatayan ang 2 gay rights activists: reports

Hinatulan ng korte sa Iran ng kamatayan ang dalawang gay rights activists kaugnay sa mga kaso na nag-uudyok umano sa homosexuality.

Kaugnay nito, mataas ang pressure mula sa international community na naghihimok na itigil ang pagpapatupad ng naturang hatol.

Sina Zahra Sedighi Hamedani, 31 at Elham Chubdar, 24, ay kinasuhan ng pagpapakalat ng umano’y “corruption on earth”, isang kaso na kadalasay ipinapataw sa defendants na umano’y lumalabag sa sharia laws ng naturang bansa.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Ayon naman kay Shadi Amin, coordinator ng Germany-based Iranian LGBTI rights group 6Rang, na ito ang unang pagkakataon na may babaeng nahatulan ng kamatayan sa Iran dahil sa kanilang sexual orientation.

Una nang sinabi ng Amnesty International na ang kaso ay nag-ugat mula sa public defense ng mga akusado sa gay rights sa kanyang social media platforms, maging ang paglabas sa BBC documentary kaugnay sa pang-aabuso na nararanasan ng LGBTI sa Kurdistan Region ng northern Iraq (KRG).

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Ang homosexuality ay banned sa Iran kung saan sa ilalim ng kanilang penal code kinukulong ang mayroong same-sex sexual behavior sa parehong lalaki at babae.