46 patay sa magnitude 6.6 na lindol sa China

Sumampa na sa 46 ang patay sa magnitude 6.6 na lindol na tumama sa southwestern China partikular sa Kangding city sa Sichuan province.

Sa inisyal na report, naitala ang 17 nasawi sa Ya’an city habang 29 naman sa katabing Ganzi prefecture.

Ayon pa sa report, mayroon ding 16 na missing habang 50 ang nasugatan sa nasabing pagyanig.

Matatandaan na milyong residente ang nananatili sa kanilang mga bahay sa provincial capital ng Chengdu matapos isailalim sa mahigpit na lockdown ang lugat dahil sa COVID-19.

Ilang lugar naman ang nawalan ng suplay ng kuryente habang pahirapan din ang mga linya ng komunikasyon sa ilang lugar na labis na naapektuhan ng lindol