Isa, patay sa insidente ng pananaksak kagabi sa beer plaza sa pagbubukas ng Magayon Festival sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Nabulabog kagabi ang mga nakiisa sa pagbubukas ng Magayon Festival sa lungsod ng Legazpi matapos ang insidente ng pananaksak sa beer plaza na ikinasawi ng isang lalaki.

Kinilala itong si Jason Guades, residente ng Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Sa impormasyong nakuha ng Brigada News FM Legazpi, napag-alaman na sangkot din sa pananaksak ang lalaking kinilalang si Noel Capate na dati nang kaalitan ng nasawi, kung saan pareho silang nagtamo ng saksak sa katawan.

Dagdag pa rito, ang dalawang ito’y dati na rin umanong may record sa kanilang barangay at parehong nasasangkot sa mga nakawan.

Maliban dito, si Capate ay dati na ring nakapatay at nakulong.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *