NAGA CITY – Tugon sa mga request na mapalawak pa ang kaalaman sa panghuhuli sa mga nagsisilabasang wildlife animals sa Naga City, ang isinagawang Wildlife Training Seminar ng City Environment and Natural Resources, kasama ang Department of Environment and Natural Resources Bicol, Red Cross, at 27 focal person ng mga Barangay sa lungsod.
Sa panayam kay Alex San Jose, Officer in Charge at Chief-Watershed Management Division, CENRO, sinabing naging problema ang kakulangan ng kaalaman ng kanilang mga personahe hinggil sa mga wildlife, kung paano ba ang dapat na paghuli, kung paano magagamot kung makagat, lalo na ang mga ahas na nagsisilaban ngayon dahil sa matinding init ng panahon, na nitong mga nakaraang buwan nga may mga reported sa lungsod na ang iba ay venomous o ahas na nakakamatay.
Bagamat mga barangay ang unang magreresponde, kailangang mas may alam ang mga personahe ng opisina laban sa mga delikadong hayop bilang proteksyon na rin ng publiko. Hindi pa man 100% well trained, inigurado ng opisina na sila ay tutulong at magreresponde lalo na kung hindi na kaya ng barangay.