College of Law sa Catanduanes State University (CATSU), nakatakda nang buksan sa Agosto 2024

BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya ng Catanduanes.

Ito ang kinumpirma sa pamamagitan ng Facebook post ni CATSU President Dr. Patrick Azanza kahapon, Mayo 2. Sinabi niyang natanggap na niya ang isang email na kung saan ay inaprubahan na ng Law Education Board ang pagbubukas ng naturang departamento sa kanilang unibersidad.

Pinasalamatan naman ni Azanza ang lahat ng tao na naging bahagi sa pag-abot ng panibagong milestone sa kanilang pamantasan na kung saan kinumpirma rin niya na sa darating na Agosto ngayong taon, opisyal nang tatanggap ng mga estudyante gustong magpakadalubhasa at maging isang ganap na abogado sa hinaharap. ### Kenneth Bermil

Image from WEB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *