CAMARINES NORTE- Isang 39-anyos na lalaki ang naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS sa kanilang isinagawang follow-up operation matapos itong makapatay ng isa at masugatan ang dalawa katao sa pananaga sa Sitio Tabadjak Brgy. San Jose, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si alyas ATHAN, 39 anyos, binata at residente ng Sitio Tabadjak Brgy. San Jose, Jose, Jose Panganiban, Camarines Norte samantalang ang mga biktima ay nakilalang sina alyas JR, 53 anyos na nasawi sa insidente Habang sugatan namang ang biktimang sina ESOY, 47 anyos, at si JOM, 24 anyos, pawang mga residente ng nabanggit na lugar
Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:00 PM nitong Marso 14, 2022 diumano matapos mag-inuman, nagkaroon ng mainitang pagtatalo si JR at si ATHAN habang naghahapunan.
Sinuntok ng suspek si JR at kasunod na hinugot ang kanyang itak mula sa kaluban at tinaga ito ng ilang beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.
Sinubukan namang awatin nina ESOY at JOM ang suspek, subalit tinaga rin sila ng suspek na nagresulta sa maraming tadtad na sugat sa kanilang katawan.
Agad na dinala sina ESOY at JOM sa Jose Panganiban Primary Hospital at kalaunan ay inilipat sa Camarines Norte Provincial Hospital para magamot.
Dinala naman ang nasawing si JR sa Adea Funeral Homes, Barangay Parang ng Jose Panganiban
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang (1) pirasong itak na may kaluban na may sukat na mahigit dalawampu’t anim (26) pulgada kasama ang hawakan.
Ang nabanggit na suspek ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS para sa paghahanda ng kaso laban sa kanya.
