Limitasyon ng media sa pag cover ng halalan bibigyang linaw ng Comelec sa mga susunod na araw

CAMARINES NORTE- Inihayag ng isang poll official na lilinawin ng komisyon ang limitasyon ng media sa pag- cover ng halalan lalo na sa mga polling places.

Tugon ito ni Election Officer III Virgilio Veras nang matanong ng Brigada News FM Daet hinggil sa papel na gagampanan ng mga mamahayag sa mismong araw ng eleksyon o kung papayagan ba ito sa loob ng polling place.

Batay kasi sa kasalukuyang panuntunan wala ang media sa listahan ng allowed at not allowed sa loob ng presinto.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga allowed lang sa loob ng presinto ay ang mga miyembro ng Electoral Boards at kanilang support staff, watchers, Comelec representatives, Department of Education Supervisor Official (DESO) technical support staff at Emergency  Accessible Polling Place support staff.

Gayundin ang mga botante na boboto, Jail/Prison Escorts na mag i- escort sa Persons Deprived of Liberty voters at iba pang Comelec- authorized persons.

Ang mga hindi naman allowed sa loob ng Polling Place ay ang military at police officials, peace officers, Barangay at SK Officials at Tanod gayundin ang Extra- Legal Police Personnel.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ani Veras kailangang mag- apply sa Comelec para sa accreditation ang media at mag iisyu ito ng ID para makapag cover sa eleksyon

Maaari din naman aniyang magkaroon ng isang lugar para sa media na magko- cover sa halalan.

Sampung upuan lang din sa kada presinto ang ilalagay para sa mga botante upang masunod ang social distancing.