CAMARINES NORTE- Mas nais ng mga mamamayan sa lalawigan na panatilihin ang pagpapatupad ng ng curfew sa unti-unting pagluluwag ng mga restrictions sa probinsya
Sa programang Banat Engkuwentro mayorya ng mga nagbigay ng komento ang pumapabor sa pagpapatupad ng curfew partikular na sa mga menor de edad kahit pa bumaba na ang alert level sa lalawigan
Ayon sa ilang mga nagkomento, nakakatulong ang curfew upang maiwasan ang paggala ng mga bata at maging sa mga magulang na madisiplina ang kanilang anak sa paglabas sa gabi
nakatutulong din ito anya upang maiwasan ang mga kriminalidad at nagkakaroon ng seguridad ang lahat laban sa mga masasamang loob.
Mapapansin rin na nawala ang pag-a-away ng grupo ng mga kabataan lalo na sa madaling araw dulot ng mga pagra-riot
Sa datus ng pulisya, bumaba ng 61% ang bilang ng mga krimen sa Luzon mula ng magpatupad ng curfew sa kasagsagan ng pandemya
