Isa pang Pinoy, nahuling lumabag sa mandatory COVID-19 quarantine ayon sa DOT

Ibinunyag ng Department of Tourism na mayroon pang isang Pilipino ang nahuling lumabag sa mandatory quarantine protocols.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nag-post pa umano ang nasabing Pilipino ng tungkol sa massage session nito sa social media.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Hinimok naman ni Puyat ang publiko na ibigay sa kanila ang pangalan ng mga lumalabag sa mandatory COVID-19 quarantine protocols upang ito ay maimbestigahan.

Ipinunto naman ng kalihim na inaalam nila kung may sindikatong sakot sa mga breaches sa ilang quarantine centers at hotels.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Una nang napaulat na nilusutan ng Returning Overseas Filipino na si Gwyneth Anne Chua ang quarantine protocols sa isang hotel sa Makati upang dumalo sa party.