Isa na namang OTS personnel, huling nanguha ng gamit ng pasahero

‘Di pa man tapos ang usapin sa umano’y pag-lunok ng isang Office for Transportation Security (OTS) personnel ng $300, nahaharap na naman ang mga screening personnel ng NAIA sa panibagong kontrobersiya.

Ito ay matapos makuhaan sa CCTV ng NAIA Terminal 2 ang ‘di umano’y pagkuha ng ‘gamit’ ng isang personnel mula sa bagahe ng pasahero.

Kinuha nito ang dalawang pakete mula sa bagahe at inilagay sa isang airport bin; tinakpan pa ng isang bin at doon na itinabi sa gilid ng kanyang station.

Ayon kay OTS Administrator Usec MaO Aplasca nilabag ng screening officer ang RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Katuwiran ng empleyado – binigyan lang umano ito ng tsokolate ng biyahero.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang kaso kung suhol ba ang tsokolate dahil may pinalusot na bawal na gamit ang pasahero.

Sa ngayon, terminated na ang OTS personnel na nitong Abril lamang na-hire.

Matatandaaang ‘tsokolate’ rin ang naging katuwiran ng unang nag-viral na OTS personnel matapos ang paglunok nito ng pinaniniwalaang pera mula sa isang pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *