PhilHealth – nabiktima ng ransomware

Sinisikap ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na maibalik ang mga sistema nito ngayong araw matapos maapektuhan ng Medusa ransomware ang kanilang operasyon.

Ayon sa PhilHealth, humihingi ang nasabing hacker ng $300,000 o P16.038 milyon para sa ninakaw na data.

Na-disable ang sitema ng ahensya, kabilang na ang website, Health Care Institution (HCI), member portals, and electronic claims.

Samantala, nanawagan ang PhilHealth para sa pagpapatupad ng mga pansamantalang hakbang tulad ng patuloy na pagpapalabas ng mga benepisyo ng National Health Insurance Program (NHIP) sa mga miyembro at kanilang mga kwalipikadong dependent.

Nagbabala naman ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa government agencies sa kumakalat na Medusa ransomware.

Ayon kay DICT Usec. for Cyber security, Connectivity, and Upskilling Jeffrey Ian Dy, ang Medusa ransomware ay umaatake sa pamamagitan ng phishing campaigns o pagsasamantala sa kasalukuyang kahinaan.

Higit pa rito, sinabi na kapag nasimulan ang naturang ransomware ay magte-terminate sa higit sa 280 mga serbisyo at proseso ng Windows, kabilang ang mga programa na maaaring makapagpigil sa pag-encrypt ng file.

Kaya pinag-iingat ng DICT ang lahat ng ahensya ng gobyerno pati na rin ang publiko para hindi mabiktima ng nasabing virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *