2 Russian embassy staff, patay sa Kabul suicide attack

Patay ang dalawang staff ng Russian embassy habang sugatan ang iba pa, sa suicide bomber malapit sa embahada ng Russia sa Afghan capital Kabul.

Sa unang pag-atake kung saan target ang foreign mission, simula nang makuha ng Taliban ang kapangyarihan noong August 2021, pinasabog ng bomber ang kanyang sarili malapit sa entrance ng consular section ng embahada.

Matapos naman ang isa pang pag-atake, agad na kinordonan ng Taliban security ang lugar, at kahit ang media ay pinagbawalang makakuha ng video.

Wala namang grupo ang umaangkin sa pag-atake sa embahada.

Mababatid na ang karahasan sa Afghanistan ay bumaba na simula nang maibalik sa Taliban ang kapangyarihan, pero may ilang pagsabog kung saan target ang minority communities ang yumanig nitong nakaraang mga buwang.

Una nito, noong nakaraang linggo, pinasabog ng suicide bomber ang isa sa western Afghanistan’s biggest mosques, na ikinasawi ng 18 katao, kabilang na maimpluwensyang imam.