Ipupuslit na shabu sa Pilipinas na may halagang 13.8 million pesos, nasabat ng BOC-Clark

Nasabat ng Bureau of Custom o BOC-Port of Clark ang 13.8 million worth ng shabu na ipupuslit sana sa loob ng bansa.

Ayon sa report, dumating sa bansa ang shipment noong January 2 mula sa Bangkok, Thailand.

Nakitaan umano ng kahinahinalang bagahe habang dumaraan ito sa x-ray scanning.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dahil dito ay agad na siniyasat ang bagahe at nakita ang 3-liter stainless sport jug na may lamang white crystalline substances na nakabalot sa plastic at aluminum foil.

Samantala, ang shipment ay inisyuhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ng warrant of seizure and detention.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nahuli naman ang dalawang suspek na claimants ng naturang shipment sa Pasay City matapos ikasa ng PDEA katuwang ang Port of Clark at NAIA ang joint delivery operations.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.