Nagsimula ng magsagawa ng hakbang ang Local Government ng City of San Fernando para maging hub for information Technology and Business Process Management o IT-BPM ang lungsod.
Pagbukas ng taong 2023 nagsimula na ring makipag-ugnayan si City Mayor Vilma Caluag sa Department of Information and Communication Technology o DICT para sa “Digital City” roadmap.
Ang roadmap ang tutulong sa City Government para mapadali ang planong gawing IT-BPM hub ang syudad.
Ito ay isang magandang pagkakataon para mas mapabilis umano ang smart growth ng lungsod.
Samantala, target ng LGU ng City of San Fernando na mapabilang sa “Digital Cities 2025”.
