Mga mangingisda lalo na ang maliliit ang bangka patuloy na pinapaalalahanang huwag munang pumalaot dahil sa nakabanderang gale warning

CAMARINES NORTE- Nakataas pa rin ang gale warning sa mga karagatang sakop ng Camarines Norte batay sa advisory mula sa Pagasa Daet weather station.

Inaasahan ang nasa 2. 8 hanggang 4. 5 metrong taas ng alon sa mga lugar na may nakabanderang gale warning kabilang na ang Camarines Norte.

Kaugnay nito ay nagpaalala naman ang Camarines Norte Coast Guard Station sa mga mangingisda lalo na sa mga maliliit ang bangka na huwag na munang pumalaot.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa ahensiya awtomatikong no sail policy kapag may nakabanderang gale warning upang maiwasan ang maritime incident.

Noong nakatalikod na taon hindi bababa sa limang maritime incident na karamihan ay paglubog ng bangkang pangisda ang nangyari sa lalawigan kung saan may mga nagbuwis ng buhay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang iba sa kanila ay hindi na natagpuan makaraang mapadpad sa ibang lugar.

At ngayong taon lang isang insidente ng pagkakalunod ang nangyari sa bayan ng Talisay noong nakaraang linggo.

Problemado naman ang mga mangingisda dahil karamihan sa kanila ay ilang linggo nang tengga ang hanapbuhay dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.