Ipinatutupad na liquor ban, epektibo sa pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa lungsod

SORSOGON CITY – Itinuturing ng City Health Office (CHO) na epektibo ang pagpapatupad ng liquor ban sa lungsod upang mapababa ang bilang ng nagpopositibo sa coronavirus disease.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ni City Health Officer Dr. Rolando Dealca, sinabi nito na bago pa man kasi ang pagpapatupad ng nasabing ban,  nasa 14 na positive cases ang average ng lungsod kada araw subalit mula ng maimplementa ang nasabing pagbabawal ay bumagsak ito sa 7 kaso bawat araw.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Ang pagbagsak ng nasabing kaso ay naitala isang linggo lamang matapos ang opisyal na pagpapatupad ng liquor ban.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Sa ilalim ng EO No. 30 na inilabas ng City LGU, mananatili hanggang Hulyo 31 ang liquor ban upang maiwasan ang inuman at pagtitipon ng mga tao na ilan sa mga dahilan ng pagkalat ng Covid-19.