IPHO SoCot sa publiko: Samantalahin ang pagpapabakuna laban sa Covid-19

KORONADAL CITY — PATULOY ang panawagan ngayon ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office o IPHO sa publiko na samantalahin ang pagpapabakuna laban Covid-19, lalo na’t pinag-aaralan sa ngayon ang pagsasagawa ng Bayanihan, Bakunahan Part 4.

Ito ang inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturido, Jr. sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon kay Aturdido, marami ang supply ng bakuna na may iba’t-ibang brand na maaaring pagpilian ang publiko.

Inihalimbawa din nito ang ilang lugar sa bansa na naabot na ang herd immunity o ang population protection sa kani-kanilang mga lugar.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dagdag ng opsiyal, sa oras na hindi magpabakuna ang 70% ng populasyon, posible umano na muling umakyat ang kaso ng Covid-19.