LEGAZPI CITY- Nakapagtapos na ang 24 estudyante sa youth access to tesda online program phase 2 matapos ang apat na buwang pag-aaral sa kursong Computer System Servicing (CSS).
Kwento ng isang nakapagtapos na si Manilyn Pineda simula umano nang pumasok sya sa Technical Education and Skills Authority (TESDA ) ay napakarami ng kanyang natutunan hindi lang pagdating sa skills development kundi pati ang maayos na pakikisama sa kapwa mag-aaral.
Sinabi rin nito na ngayong nakapagtapos na sya ng pag-aaral sa TESDA ay maghahanap agad umano sya ng trabaho sa iba’t-ibang tanggapan at sa mga susunod na taon ay muling papasok sa paaralan.
Samantala, ang nasabing mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang linggong training upang maihanda ang mga ito sa darating assessment at certification na ibibigay ng TESDA.