Kaso ng Covid-19 sa SoCot, single digit na lamang!

KORONADAL CITY — PUMAPALO na lamang sa single digit ang naitatalang aktibong kaso ng Covid-19 sa South Cotabato simula noong nakaraang dalawang linggo.

Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, Jr. sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Aturdido, kung ihahambing noong nakaraang mga naitalang mga kaso, mas mababa na umano ang kasalukuyang datos na naitala ng probinsya.

Inihayag nito, na hindi na umano mataas ang bilang ng mga namamatay, samantala, kunti na lamang umano ang tumatawag sa One Hospital Command ng probinsya kung ikukumpara noong nakaraang sitwasyon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Dahil dito, hinihiling ni Aturdido ang publiko na maging vigilante sa lahat ng oras laban sa sakit.