IPHO So.Cot nagsasagawa ng Free Mobile Chest X-Ray

KORONADAL CITY- NAGSASAGAWA ngayon ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato sa pamamagitan ng National Tuberculosis Elimination Program ng Active Case Finding at libreng Mobile Chest X-Ray sa iba’t ibang mga munisipyo sa probinsya, kasama ang DOH 12, Philippine Business for Social Progress (PBSB) at MARADECA.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Layunin nito na mapaigting ang TB Case Detection Rate sa South Cotabato.

Napag-alaman na sa kabila ng COVID 19 pandemic, nagpapatuloy pa rin ang TB services ng IPHO lalo na  sa mga marginalized sector at mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas o GIDA.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Target ng taunang Free Mobile Chest X-Ray ang 5000 na mga kliyente. Ito ay magtatagal hanggang sa buwan ng Hunyo.

Kabilang sa target population ng naturang programa ang mga contacts ng TB patients, mga nakakaranas sang ubo, unexplained fever, unexplained weightloss at  pamamawis tuwing gabi, mga senior citizens, diabetics, smokers, health-care workers at mga indigents.