Lalaking may kinakaharap na kasong frustrated murder arestado sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Isang lalaking may kinakaharap na kasong Frustrated Murder ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad nitong May 20, 2021 dakong 5:30 ng umaga sa Purok 1, Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si GLENTON MORTEGA y Nacional, 46 anyos na karpintero, at kasalukuyang naninirahan sa Purok 1, Barangay Dumagmang ng nabanggit na bayan

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Si Mortega ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 10, Legazpi City

Nagkakahalagang dalawang daang libong piso (Php 200,000.00) ang inirekomendang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang naarestong personalidad nasa kostudiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon.