Ipapatupad na health protocols sa pagboto pinag uusapan na ng Comelec

CAMARINES NORTE- Pinag-u-usapan na ngayon ng Commission on Elections ang mga posibleng ipapatupad na health protocols sa pagboto sa mismong araw ng halalan sa May 2022.

Batay sa kopya ng isang Memorandum na nakuha ng Brigada News FM Daet si Regional Election Director Maria Juana Valeza ang nagpaabot ng impormasyon sa mga Provincial Election Supervisor (PES) sa rehiyon na inaalam na ng Field Operations Group sa ilalim ng Office of the Deputy Executive Director for Operations (ODEDO) ang tungkol sa mga posibleng protocols sa pagboto na ipapatupad ngayong darating na eleksyon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Isa umano sa ideya mismo ng Regional Election Director ay ang paglalagay ng mga plastic barrier sa loob ng voting center.

Iminungkahi naman ng dalawang opisyal ng Comelec Bicol na sina Atty Niel Canicula at Atty Alberto Canares III na maglagay lang ng plastic barriers para sa Board of Election Inspectors (BEIs).

Hindi na anila kailangang maglagay pa ng plastic barriers sa voting area dahil hindi naman talaga dapat nag- uusap- usap sa loob ang habang bomoboto.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa BEI lang daw kasi dapat nakikipag- transact ang mga botante.

Bukod dito, mananatili lamang naman sa loob ng presinto ang BEIs sa buong panahon ng botohan.