CAMARINES NORTE- Makalipas ang dalawang araw ay muling nakapagtala ang lalawigan ng Camarines Norte ng 21 panibagong kaso ng COVID-19
Sa report ng DOH Bicol, naitala ang mga tig-9 na mga bagong kaso sa bayan ng Daet at Labo, ang 2 ay nagmula sa bayan ng Talisay habang ang Paracale ay nakapagtala ng 1 bagong kaso
Sa kabila nito ang lalawigan ay nakapagtala rin ng 30 pasyente na gumaling sa sakit
Sumatotal, ang lalawigan ng Camarines Norte ay mayroong 1,636
Sa naturang bilang, 1,238 ang mga nakarekober, nananatili naman sa 79 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 at 319 natin ang ngayon ay aktibong kaso

