6 na magkakapatid sa Naga City kabilang na ang 8-buwang gulang na sanggol nagpositibo sa COVID-19

NAGA CITY – Pare-parehong may ubo at nilalagnat ang anim na magkakapatid kabilang na ang walong buwang sanggol, nang dalhin sa ospital ang resulta ay infected ng Corona Virus Disease.

Ang mga batang ito ay nakatira sa Zone 5 Barangay San Felipe Naga, City

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Al Rodriguez, ang nakahawa sa mga bata ay ang ama mismo ng mga ito na nagta-trabaho sa Camarines Norte.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Una na ring nagka virus ang magulang ng mga bata, ama’t-ina ang mga closed contacts.

Dagdag ni Rodriguez, hindi naman kataka-takang magkahawaan ang mga ito dahil nasa iisang bahay ang mga magkakapatid at sa panahon ngayon ang lagnat at sipon ay sintomas na ng virus , magpo-positibo sa COVID-19 sa oras na magpa check-up sa doktor. 

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ang Barangay San Felipe ay ang may pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayon, kaya hindi naman sila tumitigil sa pagpapaalala sa mga mamamayan na sundin ang tamang health standard protocol kontra sa virus.