IPA- BRIGADA: Multicab, nasira matapos makargahan ng krudo sa isang gas station

Nagpasaklolo sa Brigada si ginoong Rolen Barba matapos na masira ang makina ng kanyang multicab nang makargahan ng krudo sa halip na gasolina.

Ayon sa kanya, March 29, 2023 nya ito pinakargahan ng gasolina sa isang gas station (Fil Oil) sa Taytay, Palawan ngunit habang papunta na sila sa El Nido ay umusok at namatay na ang kanyang multicab.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ipinaalam nya ang insidente sa management ng gas station at pinayuhan siya nitong i-draine ang sasakyan subalit hanggang sa naayos ang unit ay hindi niya ito nababayaran sa mekanido dahil wala pa umanong ibinabayad ang gasolinahan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Gumastos na raw siya ng halos P30, 000 sa mekaniko at sa mga piyesa ng sasakyan.

Samantala, sinisikap ng Brigada na makausap ang management ng gas station sa panawagan ni ginoong Rolen na siya’y mabayaran sa danyos.