Arestado ang isang lalaki na itinuturing na Most Wanted Person dahil sa pangmomolestiya ng isang menor de edad sa Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas.
Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang suspek na si Ariston Jerome Jordan y Baon alyas “Joko”, alyas “Jerome Baon Jordan”, 34-anyos, isang lifeguard at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay.
Naaresto ang naturang suspek sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 14, Nasugbu, Batangas noong April 14, 2023.
Batay sa report, isang operasyon ang isinagawa ng mga awtoridad na nagresulta ng pagkakaaresto sa nasabing akusado.
Kaugnay nito, aabot sa P200,000 ang halaga ng inirekomendang piyansa para sa kanya.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Nasugbu MPS ang suspek at handang harapin ang kanyang kaso.