Lalaki sa China, sinibak sa trabaho matapos mapag-alaman ng kompanyang nagba-bakasyon kahit naka “sick leave”

SINIBAK sa kanyang trabaho ang isang lalaki sa Beijing, China matapos mapag-alaman ng kanyang kompanya na siya ay nagba-bakasyon sakabila ng kanyang paalam na ‘sick leave.”

Batay sa ulat ng The Straits Times, nag file ng 13 araw na sick ang empleyadong itinago sa pangalang Xu, sakanyang pinagta-trabahuhang kompanya.

Noong una, hindi ito pinayagan ng kanyang manager dahil sa on-going na proyektong ginagawa nila noon ngunit nagpakita pa si Xu ng medical certificate kung saan ipinapayo ng doktor na siya ay mag ‘bed rest’ dahil sa dinaramdam na pagkahilo at  ‘spinal condition.’

Pinayagang magpahinga si Xu ng kanyang kompanya ngunit ilang araw ang nakalipas, nakita ito ng kanyang ka-trabaho sa isang airport at ini-report ito sakanilang team lead.

Matapos mapatunayang nagsinungaling si Xu, nag desisyon ang kanyang kompanya na sibakin siya sa trabaho  dahil sa umano’y ‘fraud at dishonesty.’### JDR