Nanindigan si Interior Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla na bumaba ng 62% ang mga insidente ng krimen sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa kay Remulla, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 28, 2024 umabot sa 83,059 na krimen ang naitala kumpara sa 217,830 na insidente sa parehong panahon noong 2016 hanggang 2018 sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tumaas din aniya ang crime clearance efficiency rate ng 27% at crime solution efficiency rate ng 10% sa parehong panahon.
Samantala, pinuri naman ni Remulla ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga nagawa at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang tungkulin bilang mga tagapangalaga ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.