Clearing operations matapos ang paghagupit ng Bagyong Leon sa Batanes – nagpapatuloy

Nagpapatuloy pa rin ang clearing operations sa lugar ng Batanes matapos ang paghagupit ng nagdaang Bagyong Leon.

Nakatuon ang operasyon sa paglilinis ng mga kalsada at paghahatid ng supplies mula sa Office of Civil Defense (OCD) kabilang ang mga food packs.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, may sapat na food packs ang mga evacuation centers para sa 186 pamilya ngunit nag-aalala siyang maubos ang natitirang suplay.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kung kaya’t humingi siya ng tulong mula sa Department of National Defense (DND) para sa air assets na magdadala ng mga pangangailangan.

Pinaalalahanan naman ni Cayco ang mga residente na manatili sa bahay hanggang sa bumuti ang panahon.