Inspection of schools and polling precints, mahigpit na isinasagawa ng Malilipot MPS

LEGAZPI CITY- Patuloy na pinangangasiwaan ng mga miyembro ng Malilipot Municipal Police Station (MPS) ang visitation and inspection of schools and polling precints sa bayan ng Malilipot, Albay bilang tugon sa pagsisimula ng Vote Counting Machine (VCM) Roadshow ng Commission on Election o COMELEC.

Ayon kay Police Staff Sergeant (PSSg) Francis Jay Coloma, ang aksyon na ito ay alinsunod sa paghihigpit ng siguridad sa mga lugar na pagdadausan ng eleksyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, bilang pagsunod sa direktiba, araw-araw na isinasagawa ang pagbisita at pagsisiyasat upang masigurong maayos at ligtas ang mga silid-aralan na paglalagyan ng mga election paraphernalia.

Dagdag pa rito, halos lahat na ng paaralan kabilang ang mga nasa coastal areas ng nabanggit na bayan ay nabisita na umano at kasalukuyang maayos naman ang estado.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala, nagkaroon din ng dayalogo sa pagitan ng nasabing himpilan at mga guro ng paaralan tungkol sa re-security measures at crime prevention measures.

Hinikayat rin ng kapulisan ang mga guro na suportahan ang anti-terrorism at illegal drug campaign ng gobyerno.