House-to-house mobile vaccination sa Ligao City, inilunsad

LEGAZPI CITY- Layong mabakunahan ng house-to-house and mobile vaccination ng Ligao City ang mga matatanda at mga residente sa mga malayong lugar sa lungsod.

Ayon kay Choi Perillo City Risk Reduction and Management Officer ng nasabing lugar, mas pinadali and pinalapit ng ahensya ang pagbabakuna para sa mga matatanda na hindi na nakakapunta sa mga vaccination sites at ang mga residente sa malalayong sityo.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sa kasalukuyan mayroong anim na vaccination team na naglilibot sa ibat-ibang barangay sa lungsod na pwedeng magbakuna ng first dose, second dose at booster shot.

Maaring magpabakuna sa house-to-house and mobile vaccination ang may edad labing dalawa pataas at halos lahat na vaccine kagaya ng P-fizer, Moderna at Astrazenica at available dito.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa kabila nito mayroong paring mga vaccination sites na maaring puntahan ng mga gustong magpabakuna sa lungsod.

Dagdag pa ni Perillo, na huwag matakot sa bakuna dahil importante ito upang magkaroon tayo ng proteksyon sa katawan laban sa COVID 19.