Information ecosystem, nilalason ng American tech giants ayon kay Ressa

Binatikos ng journalist na si Maria Ressa, ang American tech giants sa gitna ng kaniyang pagtanggap sa kaniyang Nobel Peace Prize noong Biyernes.

Sinabi ni Ressa na hinayaan ng industriya na kumalat ang virus ng kasinungalingan upang pag-awayin ang mga tao.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Aniya, dahil sa galit at pagkamuhi na idinudulot ng teknolohiya ay lalong nabigyan ang mga authoritarians at mga diktador sa buong mundo na maka-angat sa kapangyarihan.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Iginiit ni Ressa, na co-founder ng news website na Rappler, na nalasaon na ang information ecosystem, na pinaprayoridad ng American internet companies ngayon para kumita lalo.