Itinaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang annual deployment limit ng mga bagong hire na health workers sa abroad mula 6,500 pataas ng 7,000.
Sinabi rin ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na sa ilalim ng IATF Resolution 153 ay gagawing prayoridad ang mga nurses na may visas na mage-expire sa December 31 para sa mas mataas na cap ng deployment.
Ipinunto ni Nograles na kailangan ay tukoy ng Department of Labor and Employment bilang mission critical skills ang mga trabaho na mapupuntahan ng newly hired health workers.
Matatandaan na inutos ng Philippine Overseas Employment Administration ang pansamantalang suspensyon ng processing at issuance ng overseas employment certificates para sa mga bagong medical workers sa abroad noong Oktubre matapos marating ang 6,500 na annual cap.
Ipinaliwanag ng gobyerno na layon ng deployment cap na tiyakin na magkakaroon ng sapat na bilang ng health care workers ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
