2-milyong Sinovac doses, darating sa susunod na linggo ayon sa Chinese envoy

Inanunsyo ng Chinese envoy na darating ang donasyon ng Beijing na karagdagang 2-milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Sa isang holiday reception kasama ang media ay binati ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang Pilipinas para sa “great achievement” nito laban sa pandemya.

Sinabi niya na epektibong nakontrol ng Pilipinas ang COVID-19, base sa mga mabababang bilang ng mga bagong kaso na naitatala ng bansa.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Iginiit naman ni Huang na hindi lamang nauna ang Chinese vaccines na nakarating sa bansa, ngunit naging major source rin ito ng inokulasyon sa Pilipinas.

Ipinunto rin niya na sa panahon na dumating ang unang batch ng Chinese vaccines sa Pilipinas noong February ay walang ibang inalok ang ilang developed countries maliban na lamang sa “superficial lip service.”

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Mula noon ay nakapag-supply na aniya ang China ng mahigit 55-millyon vaccine doses sa Pilipinas sa pamamagitan ng commercial procurement at donation.