Mga menor de edad sa NCR makakalabas na ng bahay matapos ang 2-taon

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority chairperson Benhur Abalos na pwede nang makalabas ng bahay ang mga menor de edad sa National Capital Region.

Ginawa ni Abalos ang pahayag matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na ibaba na sa alert level 2 ang COVID-19 status sa Metro Manila.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ayon kay Abalos maituturing itong ‘historic’ dahil matapos ang dalawang taon muli na naman makakalabas ng bahay ang bata.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Subalit nilinaw naman ng MMDA chairman na batay sa IATF resolution dapat may kasama pa ring magulang o guardian ang mga batang lalabas sa kanilang tahanan.

Alinsunod sa resolusyon, pinapayagan na ang intrazonal at interzonal movement ng mga menor de edad sa ilalim ng alert level 2 classification.