Inakalang busog, buntis na pala!

Magbabanyo lang sana si Tayvia Woodfork, 26-anyos, nang biglang sumakit ang kanyang tiyan at hindi alam na buntis sya at manganganak na.

Kumain lang umano ang pamilya niya sa Golden Corral sa isang eat-all-you can restaurant sa Arkansas USA.

Ayon sa kanya, wala siyang kaalam-alam na siya ay 37 weeks nang buntis dahil hindi raw siya nakakaramdam ng mga sintomas na siya’y nagdadalang-tao.

Ang kanyang ina na si Tameka ay nagdesisyong sundan ang anak sa banyo matapos ang 10 minuto at nadatnang umiiyak sa sakit ng tiyan.

Nang dumating ang paramedics, ligtas na nailuwal ni Tayvia ang isang malusog na baby boy.

Tamaar Kylon Corral Woodfork ang kanyang ipinangalan sa anak, sunod sa palangan ng resto na nagbigay ng baby essentials at gift card.

Cryptic pregnancy at unperceived pregnancy, pregnancy denial, or stealth pregnancy ang naranasan ni Tayvia. (Jhaldea Rulona – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *