Unang pagkamatay ng mpox sa South Africa, naitala

Namatay ang isang 37-anyos na lalaki sa South Africa dahil sa viral infection ng mpox.

Ito ang unang nasawi sa bansa matapos maitala ang limang kaso na nakumpirma.

Ayon kay Health Minister Joe Phaahla, ang mga sintomas na maaring maramdaman sa nasabing sakit ay trangkaso, at mga sugat na puno ng nana na nagsasanhi ng pagkamatay ng isang tao.

Dagdag pa nito, hindi ito tulad ng COVID, dapat daw nagkakaroon ng skin-to-skin contact.

Maalalang lima ang naitala na kumpirmadong kaso ng mpox sa South Africa noong Mayo at Hunyo.

Halos mga kalalakihan ang tinatamaan ng sakit na ito na may edad na 30 hanngang 39 taong gulang. (Justine Jumarang – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *