Muling umapela si Pope Francis sa mga Paring Katoliko na panatilihing maikili ang kanilang homily sa misa at hindi dapat lumampas sa walong minuto.
Sa isang misa sa St. Peter’s Square, ipinaliwanag ng Sto. Papa na ang layunin ng isang misa ay mag bahagi ng Salita ng Diyos mula sa Bibliya.
Ayon kay Pope Francis, dapat mas paikliin pa ang homily sa misa, dahil sa tagal ng inaabot ng homily sa misa ay nakakatulog na ang mga tao.
Hindi ito ang unang beses na ipinahayag ng Sto. Papa ang kahalagahan ng maikling misa.
Matatandaan noong 2018, nang ipinaliwanag niya sa mga pari na dapat maikli at tiyaking hindi aabot sa 10 minuto ang kanilang misa. (Jaime Codizal – Brigada News Intern)