Pagdeklara ng state of calamity sa Palawan, hindi na napapanahon -PDRRMO

Hindi sinang-ayunan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang rekomendasyon ng Sanguniang Panlalawigan na isailalim sa State of Calamity ang Palawan dahil sa epekto ng El Niño.

Ayon kay PDRRMO Jeremias Alili, maraming bagay ang dapat ikonsidera sa pagdeklara ng state of calamity.

Dagdag pa ni Alili, ang layon pagdeklara nito ay upang magamit ang Calamity Fund o Quick Response Fund upang makatugon sa mapaminsalang kalamidad.

Paliwanag ng opisyal, hindi na ito kailangan dahil mayroon pa umanong P74 Milyon na Trust Fund ang Provincial Government mula sa mga hindi nagamit na budget sa mga nakaraang taon.

Samantala, mapapansin din umano na napapadalas na ang pag-ulan at matatapos na ang El Niño kaya’t mas mainam na lamang na ilaan ang pagdeklara ng state of calamity kung mayroong mapaminsalang bagyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *