Ina at Lola ng rape victim, pinaaresto ng korte dahil sa hindi pagdalo sa paglilitis ng kaso

SORSOGON CITY – Pansamantalang ikunulong ang mag-ina makaraang hainan sila ng arrest order ng korte dahil sa hindi pagdalo sa paglilitis ng kaso ng kanilang kaanak na biktima ng rape with homicide.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jinky Bacolod Cortel, 38-anyos, ina ng biktima at Narlita Azucena Bacolod, 55-anyos, biyuda, lola ng biktima.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa impormasyon na nakuha ng Brigada News sa Balud MPS, hindi umano sumisipot ang mag-ina sa hearing ng kaso ng kanilang menor-de-edad na anak at apo kung kaya’y nagpalabas ng court order ang judge na si Mary Flor Tabigue ng RTC Br 44 na walang inirekomendang piyansa.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon pa sa impormasyon, pinalaya lamang ang mag-ina nang dumalo na ang mga ito sa paglilitis nong nakaraang araw lamang.

Nabatid na ang 8-anyos na biktima ay pinatay pa matapos ito halayin ng suspek ilang buwan na ang nakalilipas sa Brgy Cantil ng nasabing bayan.