NGCP, nanawagang gawing holiday ang May 9-11 para sa mga gov’t agencies

Nananawagan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gobyerno na gawing holiday ang May 9-11 para sa mga government agencies para masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa 2022 elections.

Ayon kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, mahalaga ang sapat na suplay ng kuryente sa mismong araw ng eleksyon para sa vote transmission.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Giit ni Alabanza, makakatiyak ng sapat na power supply ang buong bansa kung walang plantang magkakaroon ng problema o magsa-shutdown.

Dagdag pa nito na pinangangambahan nilang sabay-sabay na titirik ang mga planta sa mga kritikal na araw o iyong araw na mataas ang demand ng kuryente.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito ay hinimok ni Alabanza ang publiko na magtipid ng enerhiya para mabawasan ang demand sa mga critical days.

Una nang sinabi ng Department of Energy na nananatiling manipis ang power supply ng bansa at nangangailangan ng back-up.

Samantala, hinimok ng DOE ang mga power distributors na magkaroon ng emergency facilities para maging handa sakaling magkaroon ng emerhensiya.