Impormasyong may ilang matataas na opisyal na nag-walkout sa kalagitnaan ng isang command conference – pinasinungalingan ng AFP

Pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines ang mga kumalat na impormasyong may nag-walkout na ilang matataas na opisyal sa kalagitnaan ng isang command conference.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippines Sea , Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang impormasyon ay 50 percent fabrication, 50 percent imagination at 100 percent false.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Pinapairal aniya ng kanilang mga senior officials at ng kanilang organisasyon ang pagiging professional at nananatiling intact ang chain of command.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sinabi ni Trinidad, posibleng “maritess warfare” ang pagpapakalat ng ganitong uri ng impormasyon.

Dahil dito, nanawagan ang opisyal sa publiko na maging maingat at suriing mabuti ang mga nasasagap na impormasyon upang hindi mabiktima ng fake news.